Thursday, April 4, 2013

Paklay


Gawa sa tuwalya ng baka na may halong labong, kaya masarap ito mga kabayan, uso ito sa mga carenderia sa Davao, ito po ang pinakasimple at pinakamadaling paraan ng pagluto ng paklay, sa susunod ang ibabahagi ko ay special na paklay naman, marami pang sangkap ang pwedeng ilagay dito, pero unahin muna natin itong simple lang lalo na doon sa mga nag uumpisa pa lang mag aral magluto, madali lang po itong gawin, kaya wag po kayong matakot na subukan ito.


Ingredients:
1/2 kilo tuwalya ng baka (pinalambot at hiniwa)
2 cups labong (strips)( pakuluan at salain para hindi mapait)
1/2 cup luya ( strips)
3 cloves garlic
2 tablespoons toyo
1 onion
1 cup water
1/2 teaspoon atsuete powder
asin
paminta powder
sili






tuwalya ng baka ( beef tripe)



Labong (bamboo shoot)
Ginger and beef tripe

Procedure:
1.Igisa ang bawang at luya saka sibuyas kapag medyo brown na ang lahat ilagay ang tuwalya ng baka, toyo, atsuete powder, asin at paminta, sangkutsahing maigi at hayaang kumulo ng mga ilang minuto.
2. Ilagay ang tubig at hayaang kumulo at haluin paminsan minsam.
3. Ilagay ang labong at haluing maigi, hayaang kumulo hanggang sa matapos, ilagay ang sili.
4. Ihain kasama ng kanin.



2 comments:

  1. I love labong yum yum! :)

    ReplyDelete
  2. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Search This Blog